Archive for August, 2005

PART 2: ANG AKING BUHAY CHUBIS (ESTE SHOWBIZ!)

Saturday, August 27th, 2005

Nakilala ko ang iba pang mga stars. Slight starstruck ako. nakilala ko ang mga magagaling na singers na nai-guest sa star in a million. Pero before that showbiz cheezy story, kuwento ko muna ang aking naging engkuwentro at experience with the staff of star in a million. E di siempre bago, kailangan anghel anghelan. Naku, nagkamali ako, barubalan pala dito. Dapat lagi kang game kahit saan. You’ll never know baka ikaw na ang pinapunchline. Hindi ibig sabihin na sa star in a million ka, knows mo lahat ng music. Dapat at least 5 percent love mo ang music. Deadma na rin kung di ka masyado kumakanta basta dapat updated ka sa uso. Mapa-fashion man yan, gimmick, story, vtr treatment at kung anu ano pa. in fairness naman sa staff, kuwela din. Hilig pumunchline. La lang. tawanan mo na lang. at hilig nila pagusapan. Seks seks at more seks. Kung sino ang nakipag-sex at sino ang virgin pa (tahimik lang ako sa mga bagay na yan). Meron kaming writer, grabe, di ko akalain gay, my gosh, diyosa sa kagandahan. Nakakatuwa nga lang, pag kumakain during meeting, kain ng isang construction worker. Tapos yung headwriter namin, baklang bakla din. Todo kuwento sa kanyang mga booking. E ang dami naming exdeals dati na lahat ng staff nababahaginan. Ayun, ginagamit pala niya yun pam-booking. Isang hawak bag lang uwi na niya sa house or kung saan man yun. Pero siempre its part of the puchline. Tapos yung executive producer ko ang bait. Never kong narinig tumalak at yun, talagang all out kung magpa-blow out sa staff. Lahat dapat meron. Feeling ko kasi, ang prinsipyo niya, di mo kailangan talakan o sigawan ang staff mo dahil kusa naman nilang gagawin ang trabaho nila. Hay I just miss working with her. In fairness talaga sa kanya. Kaya naman di kataka-takang pinagpapala ang lola mo. At siempre, dahil sa PA ako, halos mga co-PA ko din ang ka-work ko. Marami akong hirap na pinagdaanan sa pag-P-PA na hindi makikita kailanman ng sino man na tulad ko, gustong ma-discover (chos!!!). siempre pag-PA ka, utusan ka talaga. Kung sa bahay amo ka, sa opisina, gagawin mo ang mga bagay na di mo akalain sa tanang buhay mo na magagawa mo. Higit pa diyan, makikilala mo ang mga pinakamabangis at matinik na utash sa ibabaw ng lupa. Kaya nga dragon eats worm? Ganon katindi ang levelling ng ugali. Parang yung iba naman kasi me attitude problem. Parang showbis, good in the outside (pag may camera) pero bulok in the inside. Nega diva? Tapos e di PA, ikaw ang pinaka-maaga sa set at ikaw ang pinakahuling lalayas sa set. At imagine, out talaga ang social life mo dito. Wala ka ng time sa family mo, what more pa sa sarili mo. Sleepless in ABS ang drama mo. Dito ka talaga titira. Mula sa pagaayos ng props para sa 3 minute production number na buong linggo mong tinatrabaho at pinaghahandaan hanggang sa overnight editing na gagawin mo para sa isang 3 minute vtr. Ang saya di ba. Di ka lang magdadala literal ng maleta, pati mata mo, me bitbit na maleta ng eyebags! E di wala ka na ngang tulog, meron ka pang makakasamang hitad na staff na akala mo umoorder ng pansit kung makapag-utos. At isama mo na din diyan ang aking baptism of kahitaran. Imagine guys, first day ko sa show, e di editing, me nanghitad na agad sa akin. Pinapahanap sa akin yung mini-dv tapes e hindi ko pa naman alam non yung mga ganon. Aaminin ko I’ve tried my best.  Diyos ko noh, 20 years akong naghahanap sa production. Sa cubicle namin, sa cabinets, drawers, pati inidoro chineck ko baka kako na-iflash dahil maliit lang yung tape. Sin liit ng kabutihan sa puso ng hitad na naguutos sa akin. E yun di ko talaga mahanap hanggang sa meron akong nakita hindi daw yun, sa sobrang inis niya sa akin, ibinato ang tape sa paanan ko, with matching sigaw yun ha, mala-sharon cuneta api apihan ang drama ko, at winalkoutan ako. dahan dahan kong pinulot ang mga tapes at saka dumiretso sa CR.

Doon

, bumagsak ang gabaldeng luha. God. Ngayon ko lang to na-experience. In fairness, puedeng motivating experience kako pag may crying scene ako pag naging artista nako. E di tinanggap ko yun at yun ang first encounter na nag-push sa akin na mag-resign at lisanin ang media world. Nakakainis, sumalo lang naman kasi ako ng trabaho ng researcher siempre para matuto ako sabay ganon. Ang hitad di ba?  And speaking of researcher, si ate cecil ang isang taong naging takbuhan ko in times na inaapi ako. siya ang aking tissue paper pag iiyak ako at ayoko na. isa siya sa mga taong di pa corrupted sa ABS. trabaho kung trabaho at masipag ang lola mo. Mejo bangers nga lang minsan dahil pinagsasabay niya ang news dati at entertainment. O di ba? Makabagong superwoman! Talagang magkakampi kami non kahit saan. Lahat ng sama ng loob ko about sa ibang tao sa staff kahit papaano sa kanya ko nasasabi at na-e-explain niya kung bakit ganon. Ganon nga siguro pag baguhan ka sa isang mundo. Inisip ko, in my entire life, never akong sinigawan ni ng magulang ko, sabay sa trabahong to, ano ba naman yung mga simpleng pagkakamali, feeling mo kakainin ka na ng lupa. At speaking of kakainin, sa show nato nagsimula akong manaba. Pano walang ibang ginawa kundi kumain. Lamon pala. Meeting- lamon. Kuwentuha- lamon. At matutulog ka na lang- lamon! Hay mukha ko nagmukhang mamon! Tinubuan din ako ng more level of bilbels! Pero deadma, ngarag din sa trabaho kaya slight yun ang exercise mo. Sama mo pa ang walang tulugan (shet siete pala to!) hindi nagtagal inalok nila akong magsulat. Sabi ko, gusto ko po munang maaral ang production side. So ni-let go ko ang offer na yun. Balik ako sa pagiging utusan at taga-salo ng pagkakamali o sabit ng higher pips sa akin. Pero sa kabila ng ngarag moments na aking na-experience sa star in a million, meron din namang mga bagay na nagustuhan ko sa show na ito. Kasi ako, performer talaga. Singer kung singer at dancer on the side. Ewan ko ba kung ano ang pinakain ng magulang ko sa akin at over ang hilig ko sa performance. Kaya naman na-enjoy ko talaga ang kantahan at musica show. Siempre, contest to di ba? E di april ako nag-start sa show, yun yung buwan na nag-shine si Nico maca. Dun ko siya nakilala. Tapos nung May naman, dun ko nakilala sina Frenchie at Myk. And the rest is history. Nakakatuwa, dito ko nalaman kung papaano nata-transform ng media ang isang persona para maging birtwal na icon sa boobtube. Mahaba’t challenging ang proseso. Siempre di ko naman puede ikuwento sa blog ang baho ng industriya baka naman bukas e wala na akong work. Dun lang tayo sa safe. So yun, every Friday pa-audition kami. My god, sa bawat isang mag-a-audition sa star in a million, nakikita ko sa kanila ang aspiration ko na maging isang singer. In fairness, dito ko napatunayan na ganon kalaki ang impact ng isang singing contest na show sa mga kabataan lalo na ang hiwagang alok ng pagaartista. Merong iba dumadayo pa para makapag-audition. Todo rin ang preparation. Make-up. At napatunayan ko, sa ganitong klaseng pa-audition, mas banidoso ang mga lalake. Mas grabe pa kung mag-foundation at pumorma. Isama mo na rin diyan ang mga bading at bi sexual. Tapos sa audition set up namin sa studio 12, sa wakas nakilala ko ang audition master na humadlang sa aking singing career, si ate catre. Sinabi niya sa akin, ngayon malalaman mo kung bakit di ka pumasa. Hindi ko alam kung mapapa-smile ako o papatayin ko. Buti na lang me breeding ako at inirapan ko lang siya (joke). Inalok ko na lang siya ng cheeseburger meal para malason siya (joke) of course para mabusog siya at makapag-concentrate sa 350 pipol na mag-a-audition. Tapos bigla akong labas para papilahin ang mga dreamers at hopefuls. Simula na ng audition. Siksikan talaga ang hallway. Halo halong amoy. Kanta kanta. At siempre narinig ko ang magic word. “thank you.” Same word na narinig ko nung ma-shonggal ako at di makapasa. Well, at least nagpasalamat. Pero inasses ko ang sarili ko. Saan nga ba ako nagkamali on the day of my audition. Siguro masyado pang manipis ang boses ko at the same time, di naman ako ka-guwapuhan para maging market ng mga bading na bossess sa ABS? hindi kamarket- market ika nga. So I must accept the fact that maybe meron pang ibang plans sa aking career. So eto ako nag-P-PA. taga bigay at kuha ng mga numerong minsan naging numero ko ng subukin kong maging singer. Hay. Sabay subo ng frencg fries na nanlalamig na. paano ka ba naman makakakain kung me assole sa tabi mo at heto ang daan daang makukulit at pasaway na mag-a-audition. In the end of the audition, ayun, sa 300 na nag-audition 4 ang pumasa. Namangha ako. shet ang suwerte nila pasado sila. One step na to sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Ang pangarap na inasam ko. And then I observed. Teka, may mga katawan at muks ang mga nakapasa. Ayun, nasagot din ang  katanungang matagal ko ng hinahanap in the first level of analyzing things.

Para

maging singer, dapat me muks. E haler, narinig ko kayang kumanta yung mga yon, di naman ganon kagalingan. Well, sabi nga nila, it’s the r and b era, lipas na ang regine, ear blowing biritan years! Ang suwerte nila! Tapos pinapirma ko sila ng form. Though me slight inggit ako nakapasa sila, natuwa din naman ako dahil eto yung binigay ng diyos para sa kanila. Blessing pa din. Sa kanila at sa akin dahil naka-libre ako ng cheeseburger every audition day at siempre, makilala ang mga taong tulad nila na bata pa lang pala e kinakareer na ang mundo ng pagkanta. E ako naman, ang pagaaral ko ang kinareer ko. On the side na lang ang pagkanta. So ayun, after nila pirmahan ang papel, out na sila sa studio. Tatawagan na lang daw kung kailan sila isasalang sa TV. And that ends our day. Yun ang buhay ko sa auditions. E pag live gusto mo malaman? Ayon, punong puno ako ng kangaragan sa katawan. Akala mo mapuputulan ka ng hininga. Napansin ko, una akong makapasok sa set ng star in a million. Wow! Akala mo ang laki, ang liit lang pala! And my god, nung na-set up na ng may lights? Grabe, ganda talaga! At lalo na nung me banda na. ayun, nakita ko na ang mga contestant sa buwan ng abril. Sina

nikko

maca! Tarush! Sobrang enjoy ako sa kantahan. Katuwa nga e, pag nakarinig ako ng flat na tono or sharp, di ko mapigil ang sarili ko sa pag-re-react. Tapos comment din ako pag mejo kulang ang performance level. At dito sa show nato, naging sign of showbizness ang pagbebeso sa artsita. Kahit mejo lapot ang fez mo. Kaya nga, my gosh, kailangan kahit ngarag ka, dapat mabango ka pa din dahil maya maya. Me masasalubong kang artista sa bebeso sayo. O di ba? Sikat! Pareho kayo ng lebel! Enjoy ko talaga yung ganong bagay. Because closeness is next to showbizness talaga!  Everyweek, nakilala ko ang iba’t ibang contestant at the same time pati mga bigating stars, lumalakad sa harap ko at minsan e nakakakuwentuhan ko. Iba talaga. Feeling ko nasa alapaap ako kabaligtaran sa mga crying moments ko sa cr, sa hallway at sa bahay. Masisiraan ako ng ulo kung magkataon siguro na umiiyak ako at me masalubong akong artista at bebeso sa akin. Maging issue pa! but wait, sa industriyang ito nakilala ko si aling tasing. Siya pala ang masa icon. Siya pala ang pineplease ng TV. Ng mga programa ng ABS. dapat pag nag-isip ng gimik sa kantahan o music mismo e maaarok ng thinking ni aling tasing na nagmula sa konsepto ng Anastacia. ang anak ni uncle sam dito sa Pilipinas! O well, kaya pati thinking mo magiging masa na din dapat. Kung ano ang uso yun ang ipapasok mo. Kaya nga me popular culture ang mass comm para lubos na maunawaan ang ganitong kaayusan o teorya sa mapangaaliping mundo ng mass media! Sa industriya din ito nabuo ang aking batayan ng production value. My gosh sisiw pala ang school productions. Eto na pala ang real world. sa simpleng meeting, nabubuo ang magic. Kaya nga the magic continuous. Ang hokus pokus na kailanman ay mananatiling malaking palaisipan sa sinumang mabibihag sa kapangyarihang bitbit ng mass media. Makamandag! And then dumating yung araw ng grandfinals showdown na everyweek me matatanggal. Mas naging tensyon at the same time, nakilala ko ang kuwento ng buhay ng bawat contestant. Kanya kanyang drama. Kanya kanyangn kuwento. Kanya kanyang gimmick para mapansin ni aling tasing.at bawat linggo, talagang stress lalo dahil to the unreachable level ang gimmick kada contestant. Sama mo pa diyan ang pressure ng ratings na noon ay pamamayagpag ng kalabang network! Dito ko nalaman, kung papaano mananalo ang isang contestant at paano siya matatalo. Ang sagot ko, isang malaking buntong hininga. Hindi nagtagal, patapos na ang star in a million, heto na ang ASAP MANIA. Gusto akong kunin as production assistant na tututok sa dance rehearsals. My god ASAP ito. Daming artista. This is it. Makikila ako na si Mr. m. ang kuya germs ng abs-cbn. Sa wakas makakalayo na rin ako sa ka-trabaho ko na paalaga, sa mga hitad at higit sa lahat, panibagong buhay ito upang maging independent ako. at sa wakas, di na ako trainee rate ha! Winner na rin siguro sa suweldo!itutuloy….

AKING BUHAY CHUBIS! AS IN BUHAY SHOWBIZ!

Monday, August 22nd, 2005

ANG AKING BUHAY CHUBIS! (AS IN SHOWBIZ)

BY EARVILICOUS

IKA NGA NG BUBBLE GANG, JUST CHEW IT!

DITO MO MAKIKILALA ANG TUNAY NA EARVS SA LIKOD NG BAWAT INTRIGA AT CHIKA!

Highschool pa lang ako itinaga ko sa bato na magiging successful accountant ako someday. Magiging altar ko computer sa aking personal desk. Susuwledo ng kinsenas at mag-sho-shopping sa mall. Inisip ko din nung highschool ako, pag naging CPA ako yayaman ako ng todo todo. As in mas mayaman pa kay Bill Gates. Me ganong levelling ang aking thinking that time. Siempre noh, pakialam ko ba kung halos gumagapang na ang ekonomiya ng bansa sa putik, malay ko ba na tumitindi ang pangungurakot sa bansa, at karamihan na ng mga Pinoy e gusto ng iwan ang Pilipinas. Pero siempre, aim high ako nung highschool. Kaya naman tinarget ko talaga ang UP DILIMAN. For me, ito lang ang unibersidad na magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan. Ng katuparan ng akong CPA Dream. Pero nagbago ang lahat ng di ako pumasa sa UPCAT. Ouch. It hurts. Sakit to the bones. Nakapaskil sa hallway , in red big bold letters ang mga pangalan ng mga pumasa! O di ba sikat ka talaga! Aaminin ko, ilang days, mukmok ever ka dahil di ka pumasa. Tapos yung katabi mo, yung kaklase mo, akala mo nanalo sa lotto kung magsisigaw. Tatalunin pa ang nakapasa sa auditions ng American Idol. Siempre nga naman, chance of  a lifetime. Kumbaga sa roleta, eto na ang babago sa takbo ng iyong kapalaran.Ito na ang ticket to fame. Ticket to fortune. Lahat ng puedeng kasuwertehan pag nakuha mo to aba, angat ka sa iba! Pero di ako sumuko. Aim high pa rin. Anu ba naman yung mag-aim high ka. Aim lang naman di ba. So go pa rin ako sa UP. Nag-take ako ng talent test. Go ako sa writing. Sulat ng makabagbag damdaming mga articles at barubal na short stories. Pati mga bituin at buwan sa gabi kinausap ko para lang me masulat akong

tula

at ma-i-submit. My God! Todo! Me dumaan ba na bulalakaw nung gabing nagmumuni ako sa garden namin na pinamumugaran ng ebak ng aso. God! Pumasa ako sa talent test! Imagine, me talent pala ako sa pagsusulat. Naisip ko, pano na kaya ang aking CPA dream. Well, sabi nga nila, kung ano ang ibinigay ng Diyos e di tanggapin. So grab ako ng oppurtunity at sugod na sa premeire university. Ayun, nagkita kita uli kami ng iba kong ka-batch na nakapasa. May iba feeling nila salimpusa ako sa unibersidad na para bang mga tipong isang sem pa lang e mag-ba-back out nako pero ang iba naman close sa puso ko, ayun, todo sa motivation at suporta! Sabay biglang hirit ng libre! Joke! Ayun, so pila ako for requirements at naghahabol sa enrollment. Sa awa naman ng Diyos, umabot ako at nasabi ko sa sarili ko, shet! I’m a certified UP student lalo naman ng pinicturan ako for ID! Winner! Todo smile ko. This is it. Ang aking pinapangarap na unibersidad pero ang course, mejo mejo katakot. Teka naiisip ko, sure ba ako na talagang malikhaing pagsulat ang kukunin ko? Well, malikhain naman siguro ako. madalas naman akong gumanap na baliw sa class plays at isa pa, minsan nagsasalita ako mag-isa. Baliw ba yun? Minsan ang sarap kasing gumawa ng mga characters sa isip mo na ikaw lang ang nakakakilala. Then ipapakilala mo yung imaginary persona na yun sa isa ring imaginary character. O di ba, yan ang tinatawag na sariling mundo na slight close sa hallucination! Whatever, so first day of class, all set ang gamit, pasok sa school. Bago lahat ng gamit. Pa-bibbo talaga ako sa discussion at pa-book worm at nerdy ang drama. Pero dahil sa block namin sa UP, ayun mas na-enjoy ko ang UP Life ko to the unreachable, unexplainable at unbearable level!  Unti unti minahal ko ang pagsusulat at unti unti ding kinalimutan ang aking CPA dream. Nakilala ko ang mga kilalang manunulat ng bansa. Binusog ako ng mga pelikulang nagbukas sa aking kamalayan bilang tao. Binulabog ang aking isipan ng mga isyung panlipunan. Ginulat ako ng realidad na dinaranas ng Pilipinas. At higit sa lahat, namulat ako sa tunay na diwa ng nasyonalismo. Dahil diyan, nabasag ang aking pagka-burgis. Kung dati wala akong pakialam sa mga pambansang issues na kinahaharap ng bansa, ngayon, tutok ako sa telebisyon. Slight nabago ng UP ang lifestyle ko. In na in sa akin noong college yung tibak at dirty cum haggard look. Parang feeling ko kasi ang tali talino ko pag ganon yung hitsura ko. Ngarag at ang daming libro. Literal pang nagkaka-kanda-kuba sa laki ng  bag ko. Dahil din sa UP, naging katagpuan ko ang library gabi gabi. As in gabi gabi tambay ako ng library at basa at research ng kung ano ano. Mejo naging grade conscious kasi ako. aminin na.hinahabol ang mga magna at cum. Ganong level. O di siempre, chika din sa mga professor at di dapat nawawala ang pagka-bibbo para first day pa lang sa klase, me impact na! yung stand out ang personality mo. Dito talaga nagsawa ako sa limelight. Kulang na lang maging professor ako lalo na pag wala ang tunay na professor. Lider lideran sa kaingayan,kaguluhan , chikahan at higit sa lahat, aim high! Imagine, dahil sa UP, nabawasan ako ng 20 lbs. imagine niyo na lang dati mga nasa 180 ako. so ano na ako ngayon. Mataba pa rin pero slight nabawasan. Di involve ang gym dito. Puyat lang ang katapat! Skyflakes at talagang lakaran ever sa UP. Di na ride ng tricycle. Lakad lakad at lakad. Sama mo pa diyan ang pagbubuhat ng napakaraming libro at napakabigat na bag na halos laman lahat ng gamit ko! Siempre, pud pod ang sandals ko niyan! At take note, buong college life ko, isa lang ang sandals na ginamit ko at hanggang ngayon buhay! O di ba tatalunin ang spartan sa tibay! So yun, pumayat ako sa UP at siempre, tinubuan ng sangkatutak na pimples! As in nagpupumiglas talaga sila sa face ko. Kahit anong sabon ang gamitin ko e kung puros stress naman balewala rin. Kahit nagpa-derma ako, libo libo nagastos ko sa gamot, todo pa rin sa pagtubo ang taghiyawat ko. Imagine, nabawasan ang self esteem ko non. Tanungin niyo na lang yung mga friends ko kung nabawasan nga ang pagka-bibbo ko. Then after 3 year college, eto ang exciting, kailangan ng mag-double major. Undecided ako kung ano ang puedeng ipartner sa malikhaing pagsulat. Diyos ko baliw baliwan na talaga ako non sa paggaw ang mga short stories,

tula

, dula at kung ano ano pa. siempre, gusto ko

sana

yung isa kong major, todo relate, so nag-broadcasting communication ako! aim high talaga ako dito! As in enjoy! Eto yung technical side ng creative things na gagawin mo. Camera, production design, pag-didirek at higit sa lahat, pagtatalent! Speaking of pagtatalent, sobrang highschool pa lang ako, nasa puso ko na ang pag-arte at pag-iinarte. Kaya lang di naman ako nabigyan ng chance dahil na rin siguro mahiyain ako dahil sobrang taba ko non at isa pa, ikina-frustrate ko lang ng mag-audition ako sa isang play. Di ako natanggap so simula non sinabi ko sa sarili ko na hindi nako aarte pang muli (sabay bagsak ang luha habang nagiisa sa kubeta na namamanghe). Pero dito sa mass comm, free ka kahit anong gawin mo. At my god, dito ko nagamit lahat ng impersonation at pagaarte arte na ginagawa ko sa loob ng kuwarto ko. Though nung highschool, madaldal na din ako dahil suki na ako ng mga declamation contest. Winner ako diyan noh. Akala nga ng tatay at nanay ko tuwing nagpe-perform ako sa stage, magiging abogado ako sa tono ng pananalita ko. E hindi nila alam, role playing yun. O di ba may potential! So yun, itinodo ko sa mass comm ang aking powers sa pag-arte.

Aba

, production design in na in din sa akin yan. Siempre, dito

sa street

namin sa Lagro, aba, hasang hasa ata ako sa ganya. Diyos ko, sa taon taon na lang na ginawang fiesta sa amin, ako ang nagde-decorate ng stage. Pati program ako. pati host ako. buti di na player baka mabaliw nako sa dami ng gagawin. So yun, nagamit ko lahat ng eye for colors at details ko. At siempre, ang pinaka-favorite ko, ang pagdidirek. Dito nabuo ang aking pangarap. Sa gusali ng mass communication nabuo ang pangarap ko na kung di man maging on cam talent siempre,maging isang batikang direktor. Dahil diyan, nagkaroon ng bagong dream. Ang dating CPA dream naging KAPAMILYA DREAM. Dito ko sinimulang asamin ang maging kapamilya. Lalo na nung naging artista si rene boy aka tita glow. Inisip ko, shet, kaya ko din yang pinaggagagawa niya. E hilig ko na rin talaga ang mag-perform kaya lang may slight hiya factor din ako at isa pa, priority ko noon ang acads ko. Running kasi ako, never walking for honors. Gusto mo yun? Hanggang sa dumating ang araw ng thesis. Awa ng diyos buhay pa naman ako. na-ospital nga lang dahil mejo bumagsak ang aking resistensya dahil sa stress. So eto na, tapos na ang college life ko. Award. Ganyan. Nakuha ko ang inaim high ko na magtapos ng may honors. Proud parents ko dahil ginto gintuan ang medal. Inisip ko, napabait ng diyos dahil dinala niya ako sa course na di ko naisip na maging course ko at may bonus pa, nagtapos ako ng may honors. Eto na, siempre, time to look for a job. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Basta isa lang ang gusto ko. Maging on cam talent. Maging isang talk show host. Yung dadaldal sa TV! Parang funny newscaster. Pero noon pa man, inaalok nakong magturo sa UP. Pero dahil sa kagustuhan ko na mapunta sa boobtube, kinareer ko ang kapamilya application. Ayun, natanggap ako as PRODUCTION ASSISTANT. Ang dami ang umalma. Sinasayang ko daw ang utak ko. Kesho grumadweyt pa daw ako ng UP tapos mag-PA lang ako. ang rason ko naman, start sa mababa. Ipinagpalit ko rin to sa creative assistant position na inalok ng star cinema. Feeling ko kasi, mala-love anouver ang magiging storya ko. Yung tipong na-discover then big time ang ending. So yun go ako sa PA job. Nakakatawa nag-audition pako sa star in a million. Di naman pumasa. Tapos dun sa show na yun ako napunta. O diba, hinanap ko agad yung audition material ko. Bura na agad at baka mai-ere pa sa national tv e di kahihiyan pa yun. Hindi nagtagal, itutuloy…