Archive for December, 2005

THE YEAR THAT WAS 2005…

Tuesday, December 27th, 2005

Hay nako paano ko nga ba sisimulan at ilalarawan ang naging buhay ko ngayong 2005? Well, masalimuot pero very exciting. Heto at isa isa natin…

December 2004, akala ko tuluyan ko ng lilisanin ang philippine’s largest network para tunguhin ang landasin ng pagtuturo, pero hindi pala, kahit anong sama ng loob ang nakuha ko, heto pa rin ako sa mapangaliping mundo…

January, natanggap akong writer ng search for the star in a million season 1. adjust talaga ako ng sobra sa pagsusulat. Imagine naman kasi maliban sa halos one year akong di nagsulat, mas sanay ako sa literature style of writing. At hindi basta basta kasi mas sanay ako sa malalalim na salitang tagalog na isang “no-no” sa entertainment world. not naman “no-no” pero hindi kasi bagay. Siguro under ng current affairs puede pa.

January 29, 2005 umere ang search for the star in a million season 1 primer. Ito ang pagsilang ng aking unang script. Nakakakaba dahil sa pressure at the same time fulfilling dahil sa wakas me katibayan na akong writer na ako. finally ang aking unang script pumasa sa mga diyos kahit alam kong mejo mejo alangan sila. Kahit naman ako aaminin ko mejo mejo di pa talaga ako sanay. Kapaan at talagang pupulsuhan mo.

January din ng makilala ko ang aming mga hosts. Sina sarah, erik, christian at mark. Mababait sila. Sa staff naman, click agad kami ni joey. Palibhasa pareho kaming baguhan sa “real” television writing. Siya ang naging kaututang dila ko sa lahat ng mga hinaing at problema ko sa trabaho.

January then february mas to the next level ang writing. Spiels writing. Nako sobrang challenge talaga to. Hirap na hirap ako magsulat kasi mas nasanay ako sa serious form of writing. Literary. Nagtuloy tuloy to hanggang march, april, at hanggang sa mag-grand finals kami ng May. Halos magbreakdown ako sa pagsusulat ng scripts at pag live show kami. Buti na lang kinaya ko ang pressure. How I miss those days. Hehe.the ngaragan and all of a live show.

Actually nahirapan din ako lalo na sa pagsusulat in english. Di rin kasi ako sanay e sa kailangan gumawa ng press release. Ang masasabi ko goodluck. Buti na lang pasensiosa ang headwriter ko. Promise sakit sa ulo ng mga pinagsusulat ako. actually aminado naman ako na sobrang bad ang english ko pero di naman ako sumusuko. Matutunan ko din yan. Sooner or sooner.hehe

Summer ng 2005 first time kong magpakalbo. Ang presko ng feeling. Hindi ka naman naka-drugs pero high sa freshness ng walang buhok.

May 2005 din ng mapagdesisyunan kong tuluyan ko ng lilisanin ang media world. actually nag-apply na akong professor sa ibang university but unfortunately hindi na naman natuloy. Dumating kasi ang star magic. Anniversary celebration siya ng star magic or talent center. Mas dinugo ako nito. Literally di ako umuwi ng bahay for one week. Wala kaming ibang ginawa sa abs kundi magshoot, magpreview at magsulat ng script. Pumayat ako dito ng todo. At dito ko nakilala ang daan daang artista ng abs-cbn. In fairnez! Hindi pa lumalabas ang pagka-photo maniac ko sa mga stars. Tago pa ang pagka-jologs!

Dumating ang june, nagbukas ang mga klase, akala ko professor nako but no, andito pa rin ako sa abs. at dahil tapos na ang search for the star in a million season 1, guess what kung saan ako napunta, walang iba, sa AT HOME KA DITO, na talaga namang minahal ko.  Sobrang enjoy ko ang show nato at ang mga tao dito. dito ko talaga na-feel ang teamwork at bonding sa production. Dito ko naranasan ang langit at the same time hell minsan. Hehe

June 2005, I celebrated my 23rd birthday at childrens party ang dating. Ako mismo ang nagproduction design. Balloons and all. At ang souvenir, my gosh, itlog ni earvs!kainis di naman nakapunta ang mga taga-at home. Pero star studded dahil talagang dinayo pa nina mabel, nikki, jona, billy at veejay ang aking house dito sa lagro. Anong say mo?hehe

July 2005, nag-cost cutting ang abs-cbn at naging segment producer writer ako. unang episode ko nito is yung phoemela barranda kitchen makeover. kapagod. At dito nagsimula ang aking bonding moments with celebrities lalo na pag minamakeover namin ang bahay nila. Of corzzz, nakabonding ko ang makulit na si joross at mahinhin na si roxanne! Ilan beses ko nga bang sinabi ang word na energy every taping? Di ko na mabilang. Asus. At the same time, nameet ko ang asawa ni aga, walang iba si charlene. In fairnez sa lola niyo madaling pakisamahan! Unforgettable sharing moments ko ke charlene, yung dancing days niya. Highschool ako non e. kaloka ngayon kaharap ko na siya.

This year nagkaroon ng bonding ang at home ka dito sa butterfly haven. In fairness ang ganda talaga ng lugar at sobrang enjoy! First time din na may kakaibang elemento sa group picture ng at home.

This year nagpa-birthday party kami sa aming executive producer, siempre ako ang hosts. May umapear na naman sa group picture ng at home ka dito. kaloka dahil katabi ko. Unang pagpaparamdam.

This year naexperience ko ang masasabi kong pinakamasayang christmas party ko sa abs! ang saya ng party ng at home ka dito. as in. siempre kami ni tet ang hosts. at maliban sa saya at dami ng na-take home namin, ang pinaka-cherry sa lahat ng pangyayari, ang aparisyon ng isang kaluluwa, ulit? Sa group picture ng at home ka dito. imagine sa likod ko pa ha. Sus me. Takot kami to death.

At this year din, im so happy, nakumpleto ko ang simbang gabi! Maliban pa diyan, ako and my dad ang nag-design ng belen ng aming parish! Iba ang feeling.

Sana

lang magkatotoo yung wish ko for next year after makumpleto ang 9 mornings!

At eto pa, I got a digi cam from my father as a christmas gift! Im sooooo happpy!!! Maliban sa magagamit ko talaga to during ocular sa mga bahay ng artista, siempre, unahan nato sa pagpapapicture sa mga stars! Why not! O smile naman diyan!

At eto ang todo this year, marami akong nakilalang ordinaryong tao na hirap sa buhay na kahit papaano ay nabigyan namin ng pagasang makaahon sa kahirapan. At the same time, enjoy kami sa makeover dahil ang dami kong natutunan. Actually love ko naman talaga ng interior designing pero eto talagang on the professional level. Ang saya.

Hay yan ang aking 2005. masaya at puno ng challenges. Feeling ko rollercoaster ride ang lahat ng pinagdaanan ko. Taas baba. Luha at tawa. Pero in fairnez naman natuto ako sa buhay.

Heto ang mga taong bumago ng pananaw ko sa buhay ngayong taong 2005.

Si lea. Inspirasyon at guardian angel ko. Maraming salamat.

Si joey. Kaututang dila ko at patutunayang may mundo sa labas ng ABS.

SI ate ja, for the trust! dahil sa’yo naging sp writer ako! wowowee!!!

Si ate hervie na nagturo sa akin kung paano magipon ng hindi nababrand na madamot.

Si ana, na nag-unleash ng kadaldalan at mga kalokohan ko sa katawan! Naman!

Si tet, my bestfriend, sa pag-u-unleash ng pagka-photo maniac ko with the stars! Mabuhay ka!

At siempre, this year narealize ko, number one pa rin ang family ko sa puso ko. Sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay at hindi ko sila ipagpapalit kahit saan o kahit kanino. As in.

at higit sa lahat, Thank you lord for all the blessings. maraming salamat

Now I’m ready to face 2006. goodbye 2005 and welcome 2006. happy new year!

MMFF…

Monday, December 26th, 2005

BACK-TO-BACK MOVIE MARATHON SA SINEHAN!

OKRAY MOMENTS…

In fairness sa pelikulang MANO PO 4, AKO LEGAL WIFE, nakakatawa siya at patotoo sa buhay ng mga pinoy na maraming kabit. Outstanding ang acting ni lola zsazsa. Consistent ang pagka-martir na lumaban sa huli lalo na ang pagka-desperadang mabawi ang asawa sa mga kabit nito. Mas consistent din ang acting ni cherry pie sa kanyang visayan accent though pinaglaruan at ginawang katatawanan na naman ang mga bisaya sa pelikulang it. Bad. Si ruffa mae, natural. Expose na naman ang kanyang pagka-original booba! Bagay sa kanila ang mga characters.

Comments:

Sa dami ng characters ng pelikulang napagiiwanan ang iba pang tauhan. Lost si cherrie pie sa ilang eksena.

Tanggalable ang kapatid ni john pratts sa kuwento. Pero in fairness chinez ang fez!

Ang sakit sa ulo ng acting ni john pratts.

Ang sakit din sa ulo ng role nina jc de vera at bianca king. Buwisit talaga!

Stereotipikal na closet ang ipinakita. Magtapat ba ng kabaklaan sa taong baldado? Haler.

Walang striking reason para ganon na lang matanggap ng pamilya ang kabaklaan. Wala lang. kasi bading siya anong magagawa namin? Ganon siguro ang tema

Ginawang payaso ang imahe ng mga bisaya sa pelikulang ito. Kalungkot.

Nangyayari sa totoong buhay ang bangayan ng mga kabit. At least napasadahan ng pelikula ang ganitong uri ng isyu sa lipunang pilipino.

Hindi ba malas sa feng shui ang may kabit?

Pero kahit ganon ang pelikulang MAPO 4, isa na siya sa all time favorite pinoy movies ko! In fairnez!

ANG SHAKE, RATTLE AND ROLL!

Unang kuwento, ang POSO. Comedy horror siya. The usual pambata na tatawanan mo na lang sa kakornihan though consider pinagbidahan ito ng comedy queen ai ai delas alas. Ganon din, magarbo at perya ang outfit ni ai ai. Packaging siguro ng isang iskandalosang komedyante. In fairness sa effects, mala-goosebumps. All I can say, anu ba yun!Pasaway at halatang siningit ang love team nina rainier at yasmine sa pelikula. Kakabuwisit!Ang gulo ng kuwento! Yung lola ang nagpatawag ng espiritista pero sa huli siya pala ang kontrabida sa kuwento. Buwisit di ba?

Sana

ibang character ang gumawa non na nakaranas ng kababalghan sa poso o kahit malapit sa puso ng biktima.

Hay nako, buti na lang natawa ako kay ai ai. Pasaway ang unang kuwento. Feeling ko tuloy nababaliw na ba ako kasi tumatawa ako at the same time tinatakot ako. sakit sa ulo!

Second story ang aquarium. Jinustify ang pag-appear ng aquarium sa nilipatang condo nina ara at ogie sa pamamagitan ng misteryo. Kaloka naman yun.

Sana

binili nila or something pag pasok sa bahay may aquarium sa sulok. And then eto pa ang nakakaloka, me babaeng nakaitim na umaappear at nagpapakita ke ara ng hindi na-establish kung bakit nagpapakita at kung ano ang kaugnayan nito. Habang pinapanuod ko yung pelikula feeling ko ginaya to sa pelikulang dark waters. Yung me batang namatay sa tangke ng tubig. Ito naman nilunod na bata sa aquarium dahil mukhang isda yung bata. Yun lang

sana

me reenactment para mas convincing ang pananakot. Isa pang kaloka, pilit ang pagpapasok ng “third” party kuno sa buhay magasawa nina ogie. Sa huli kapatid pala. Anu ba yun! Kaloka.

Ang pangatlong kuwento, ang san joaquin. In fairness natakot ako. yun lang para siyang revival ng kuwento ng shake, rattle and roll na pinagbidahan ni manilyn ng dalhin siya ng friend niya sa probinsya only to find out na gagawin pala siyang alay sa bayan ng mga halimaw. Ang san joaquin naman, isang bayan na pinamugaran ng mga aswang then si mark anthony at tanya garcia ay magasawang bumukod sa pamilya para magsarili tapos napunta sa bayan ng san joaquin. Hay nako, feeling panday si mark anthony dito. espadahan and all. Pasaway. At kaloka, pinutol ang fight scene. Nagdisolve lang then tigbak lahat  ng kalaban. Gusto mo yun.

Hay nako, hindi pa rin naka-get away ang shake rattle and roll sa usual format nito. Korny, nagpapatawa na nananakot at hilaw ang mga kuwento. My god millenium na pero panahon pa ni mahoma ang mga kuwento at atake ng pelikula. Makapagbasa na nga lang ng philippine ghost stories! Kaloka!

Mukhang maganda ang kutob. How about ang exodus na pinilahan dahil sa free enchanted kingdom tickets. hehe

ANG MGA CANDIDATES NG SEARCH FOR THE NEGA STAR!

Thursday, December 22nd, 2005

WHO SHALL INHERIT EVIL WORLD? ANG 26 NA KANDIDATA NG SEARCH FOR THE NEGA STAR ANDIRITO NA…

MS. ATRIBIDA

-          FAVORITE ROLE NIYA ANG MAGING KONTRABIDA SA BUHAY NG MGA TAONG NASA PALIGID NIYA.

MS. BACKSTABBER

-          WALA SIYANG HAWAK NA KUTSILYO PERO KAYA KA NIYANG PATAYIN NG PATALIKOD AT GAMIT ANG KANYANG DILA!

MS. COPYCAT

-          WALA SIYANG SARILING IDENTIDAD. ANG ALAM LANG NIYA AY ANG MANGOPYA.

MS. DIKTADOR

-          HANGGANG NGAYON AY BAON NIYA ANG PAMAMALAKAD NI MARCOS. ENJOY NA ENJOY SIYA KUNG ASTANG PUPPET ANG KANYANG SUBORDINATES.

MS. EPAL

-          GUSTO NIYA LAGING NASA KANYA ANG SPOTLIGHT. KULANG ATA SIYA SA PANSIN NG DUMAAN SA PAGKABATA.

MS. FEELINGERA

-          LAGI SIYANG ME FEELING NA SIYA LANG ANG NAKAKA-FEEL. FEELING NIYA…

MS. GOLD DIGGER

-          WALA SIYANG PALA NA PANGHUKAY PERO MAGALING SIYANG MAKAAMOY AT MAKARAMDAM KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG LANGIT SA LUPA. ANG LANGIT PARA SA KANYA AY MARAPING SALAPI AT GINTO. YUN ANG TUTUGON SA KANYANG UHAW NA BALANG ARAW AY MAKAPANGASAWA NG MAYAMAN.

MS. HITAD

-          NATURAL SA KANYA ANG MAGSUNGIT NG WALANG DAHILAN PARA IPAKITANG ANGAT SIYA SA IBA! MAY PAGKA-POWER TRIPPER ANG PERSONALIDAD NA ITO. KINDA ATTITUDE PROBLEM.

MS. INGGITERA

-          AYAW NIYA NG KONSEPTO NG SILA, GUSTO NIYA AKO AT AKO. KAYA DINUDUROG ANG PUSO NIYA PAG MERON SILA AT WALA SIYA.

MS. JACK ASS

-          HANDA SIYANG MAGPAKA-PUTIK SA BUHAY! MAS GUSTO NIYA ANG RIOT AT BASAG ULO! SA  WIKANG PINOY- SIYA AY BARUBAL.

MS. KALADKARIN

-          WALANG SARILING PAGDEDESISYON SA BUHAY. KAHIT SAAN MO DALHIN AT PAPUNTAHAN, GO! ACTUALLY, KINALADKAD LANG SIYA NG FRIENDS NIYA SA KOMPETISYONG ITO!

MS. LAGLAG

-          TAKOT SIYA SA MGA BAGAY BAGAY NA SISIRA SA KAYANG MAGANDANG IMAGE KAYA HILIG NIYA ANG MAGHUGAS KAMAY SA HARAP NG MADAMING TAO SA IBA’T IBANG PAGKAKATAON. KAYA

PARA

MAPANGALAGAAN ANG REPUTASYON, HANDA NIYANG ILAGLAG KAHIT SINO!

MS. MANHID

-          WALA SIYANG PAKIRAMDAM SA KUNG ANO ANG NANGYAYARI SA PALIGID NIYA. DI NIYA KAILANGAN NG ANISTISYA.

MS. NAGGER

-          OVERUSED PART NG KANYANG BODY ANG KANYANG BIBIG. IPINANGANAK SIYANG BUNGANGERA! IN SHORT, TALAKERA!

MS. ORGY

-          DI SIYA CONTENTED SA IISANG SEXUAL PARTNER. DI SIYA TAKOT SA SEXUALLY TRANSMITTED DISEASES. ENJOY SIYA SA GROUP SEX! MAS MARAMI MAS HEAVEN.

MS. PLASTIK

-          WHAT YOU SEE IS WHAT YOU DON’T GET! SIYA ANG IDOLO AT TRAINOR SA KARAMIHA NG MGA ARTISTA! SHOWBIZ IS THE BUSINESS!

MS. QUEENBEE

-          INSPIRED FROM THE MOVIE MEAN GIRLS. GUSTO NIYA SIYA LAGI ANG SENTRO NG GRUPO. PASIMUNO NG EVIL DEEDS.

MS.RIOT       

-          HINDI SIYA IPINAGLIHI SA KALAMIDAD PERO HATID NIYA ANG GULO AT BASAGULO. FAVORITE PLACE NIYANG DALAWIN ANG PRINCIPALS OFFICE OR GUIDANCE COUNCILORS NUNG HIGHSCHOOL, DEANS OFFICE NUNG COLLEGE AT NAGTULOY TULOY HANGGANG BUMAGSAK SIYA SA KULUNGAN! ASTIG DI BA?

MS. SOCIAL CLIMBER

-          HINDI SIYA MAHILIG SA MOUNTAIN CLIMBING PERO GUSTO NIYANG AKYATIN ANG PINAKAMATAAS NA BAITANG NG SOCIAL LADDER. KAYA NIYANG MAGWALGAS NG PERA (KAHIT DI NAMAN SAPAT) PARA LUMEBEL SA CLASS “A.” BRANDED LAHAT NG GAMIT NIYA. BRAND DICTATES CLASS LIKE STARBUCKS.

MS. TRAYDOR

-          IPINAGLIHI SIYA SA AHAS. ALL TIME FAVORITE MOVIE NIYA ANG DARNA. NAKIKITA NIYA ANG SARILI NIYA SA KATAUHAN NI VALENTINA!

MS. USISERA

-          WALA SIYANG IBANG GINAWA KUNDI USISAIN ANG BUHAY NG IBANG TAO. PRESENT JOB NIYA ANG MANIRA NG PERSONALIDAD SA MGA TABLOID!

MS. VANDAL

-          BAGAMAT LULONG SIYA SA PAGSUSULAT NG DIARY NG LAHAT NG SAMA NG LOOB MAS PINILI NIYANG BABUYIN ANG MGA DINGDING AT KALSADA. ISA SA MGA ULTIMATE KAAWAY NI BAYANI FERNANDO!

MS. WALANG ASAL

-          HATE NA HATE NIYA ANG GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT! WALA SIYANG BREEDING, PUROS BREATHING!

MS. X- RATED

-          SIYA ANG BET NG MGA KALALAKIHANG HAYOK SA LAMAN. ISA SIYANG SEX SLAVE NG MEDIA. MAKIKITA SA DIYARYO, MAGAZINE, TV AT PATOK NA PATOK SA MGA VCD SA QUIAPO.

MS. YABANG

-          ISA SIYANG WALKING ELECTRIC FAN AT AIRCON MINSAN. ANG HANGIN SOBRA!

MS. ZIPZIP

-          KISS ASS. LINTA. CORPORATE SUCKER. LAHAT YAN AY KATANGIAN NG ISANG ZIPZIP. PANGUNAHING OBJECTIVE NIYA SA BUHAY AY ANG GAMITIN ANG PAGKATUTA SA KOMPANYA AT ZUMIPZIP

PARA

UMASENSO. WALA NAMAN SIYANG HAWAK NA STRAW PERO ANG GALING NIYANG ZUMIPZIP.

LET YOUR THUMBS DO THE TALKING. I-TEXT ANG INYONG FAVORITE NEGA STAR CANDIDATE. JUST TYPE VOTE SPACE NAME OF YOUR FAVORITE NEGA STAR CANDIDATE AND SEND TO 666.

SO ANONG PANG HINIHINTAY MO, BOTO NA! BECAUSE THERE CAN ONLY BE ONE NEGA STAR IN THE WHOLE WORLD!

HEP HEP HEP…

SO ARE YOU ONE OF THEM? KILABUTAN KA. 2006 NA! HAHAYAAN MO BANG PAGHARIAN NILA ANG IYONG MUNDONG GINAGALAWAN? PWES! BURAHIN SILA SA MUNDO!

IKA NGA NI ST.

PEREGRINE, BURA BURA!

SPELL ME!

Saturday, December 17th, 2005

KUNG ME STOP ME NA SEGMENT, ETO ANG SPELL ME!

OPENING VIDEO…

DRAMATIC MOMENTS NG PAGSAPI KAY EMILY ROSE BIGLANG INTERCUT SA DRESSING ROOM. ALAM NIYO NA GUYS KUNG SINO ANG DAPAT NASA VIDEO. SINASAMPAL. PINUPUNASAN NG BIMPO. PINASUSUKA. DI MAKALAKAD. KUNG ANIM NA DEMONYO ANG SUMAPI KE EMILY, DITO SA PERSONANG ITO, INFINITE. LABO LABO. KULANG NA LANG PATI SI STO. NINO. EWAN KO BA! SPELL ME!

EXORCISM OF EMILY ROSE…

Hay nako mga guys matapos ang ilang linggong pananahimik ng aking blog, heto ang mga chika at intrigang di niyo dapat palampasin. Mga pasabog na yumanig sa babuyan ni lola jasmina. Ang mga biik, sumisigaw ng katarungan. Samu’t saring hinaing. Asus! Hakot ng award sa tindi ng mga eksena! Spell me!

Unang una, fresh from its success, exorcism of emily rose tagalog version, hit na hit sa puso ng mga taga AT HOME KA DITO. markado hanggang paguwi sa kani kanilang bahay. Gusto mo yun? Spell me!

Mga paratang ng bugbugan. Abangan!

Pangalawang pasabog, ang pagsanib ni Emily Rose sa katauhan ni kikay at fashion guru dian huling paingay sa taon ng 2005. suka, suka at suka. Sige isuka mo baby. Hirit ng at homers, dian, okay ka lang? at take note of darla, tet and ate hervie’s video coverage. Walang cost cutting na ginawa para makunan ang death defying pagsuka ni dian. Imagine, 3 cams. Punong puno ng crazy shot. Oo alam namin si dian ang bangan pero pati ata ang kumukuha bangag din. Rating sa pelikulang ito, a must have video sa inyong mga cellphone. Pasok ang scoring na… di, dian di, dian di? Sounds familiar? Isuka mo lang! spell me!

Ang speaking of nakakasukang eksena at may I relate sa scoring na di, dian di, dian di… at home ka dito, bigo sa recently concluded na animal show. Tinalo ng mga tuta. Heto na siguro ang pinaka-pasabog ng taon, ang walang kapantay, the height of everything, the maximum level of deceit, perfect word ang salitang “unfair” at lantaran o  harap harapang dayaan. Isang scam sa lenggwaheng pinoy. Paano nagsimula ang lahat, balikan natin ang nagdaang linggo.

NOVEMBER 29- nalaman namin na magkakaroon ng petshow. Siempre ang kung marunong ma-excite ang mga tuta, naeexcite din kahit baboy.

Aba

, si aling jasmina, pinatawag at seryosong tinipon (habang nagpapakain ng kaning baboy!) ang kanyang mga alagang baboy at biik para sa nalalapit na paligsahan. Hindi niya balak ibenta ang mga biik, gusto lang niya sumali ang lahat. Hindi niya kami kakatayin. Gusto lang niyang patabain ang puso namin. Nagtitiwala siyang, sa petshow man ay may panalo din!

Siempre, how can we forget the support of mang romer sa kanyang “baliwood” concept. Kakaiba. Bago sa pandinig. May I recommend ng shine. Wait and see kami kung magshishine kami.

Ilang araw dedmahan then one week na lang tsaka nagkangaragan. December 3 brainstorming sa bahay ni ana. Rent kami lahat ng musical na puede naming gayahin. Moulin rouge.

Chicago

. Bring it on, centerstage, at siempre ang the guru na specially recommended ni mang romer.

Aba

, si dian, inilabas ang kanyang alas sa pagsuporta sa baliwood concept, ayun, inexpose ang personal copy ng belly dancing nina regine tolentino. Spell me!

Meeting meeting at meeting habang ngumunguya. Nagkakagulo pa nga kung

chicago

o indian dance. In the end, nanalo ang baliwood ni mang romer. Kahit puros belly dancing, anyways pinagpala din naman sa belly ang aming mga katawan. Ayun, so ang next move, humanap ng choreographer at materyal. Nagkagulo pa sa choreographer pero sa huli, ang bagsak namin, si herbs na taga samaskom. Ang kulit! Tulad ko namin, isa siyang certified jologs, komedyante at schizo! O di ba jive sa tropa. At ang music, ayun, out of the blue, di dian di dian di ang title. Pero siempre me title talaga yun pero yun ang ipinangalan namin.

O di Saturday, december 3 sinimulan namin ang paggiling. Take note lahat ng rehearsals ay naganap sa labas ng bakuran. Kaya walang ibang kaalam alam ang ibang sasali sa petshow.

Monday, december 5 rehearse uli ang tropa.

Thursday, december 8, 2005 mas madugo ang sayawan.

December 10, sabado, the height of all rehearsals. As in tanggal taba namin sa nakakahingal pero graceful moves na tinuro ni guru herbs. At sa gabi, may I preview si aling jasmina kung ano ang na-achieve ng kanyang mga alagang biik at baboy.

Madaling araw nf december 11, sugod ang tropa sa wardrobe. Issue ng costume wala pa din. Actually nagkabanggaan pa kami ni tetay nito sa text. Spell me! Pero awa ng diyos, again, through aling jasmina, aling grachel, and mang romers support, nakapag produce kami ng shining shimmering dazzling golden at indian inspired costume! Spell me!

At december 11, ang araw ng petshow, late man kami, nakahabol din kami sa rehearsal. Unang side comment, wala daw kaming buhay. E teka lang naman kasi, siempre, don’t give all muna ang drama para di masyadong ma-pre empt ang pasabog. Back to rehearsal…

At dumating na ang final night ng petshow. Dance ang mga tuta. Dance ang mga pusa. Lipad ang mga ibon. Landi ang mga ahas. Iba ibang hayop sa iba iba’t ibang uri ng performance. At siempre, ang mga baboy, malinis, mabango at inayusan courtesy of f salon.

Eto ang punchline, after ng aming umaatikabong shining shimmering at dazzling baliwood performance, sigaw ang hosts, nasa kanya na ang resulta. Gulat kaming mga biik at baboy.

Sana

kinatay na lang kami sa kaysa harap harapang…SPELL ME!