RUGGA MUFFIN DAY!
CERTIFIED HB ON THE LOOSE! AS IN HIGH BLOOD!
Happy ending at smooth na sana ang araw ko kung hindi lang dahil sa simpleng muffin. Oo, tama ka, isang blueberry flavored muffin! Pano nasira ang araw ko? Here’s the story?! Makinig at alamin ang tunay na kuwento sa likod ng aking cravings…
Me, tet, ate hervie, izah, dian, ana and with our kapuso friend surge ate at JAVA REPUBLIC diyan sa may national bookstore quezon ave. actually, tuna sandwich lang talaga ang balak kong kainin e nagkataon naubos ko na yung sandwich tapos yung iba halos hindi pa tapos kumain. E bigla akong nag-crave sa muffin ng java republic. Aminado ako sobrang patay na patay ako sa muffin na yun. Ang sarap lalo na pag mainit. So hindi ko napigil ang sarili ko nagpabili ako ke surge. Ito namang si surge, cheese cake and naorder. E tanga ko rin naman kasi ang sabi ko yung cheese cake. Pero eto, nung nakapila si surge bago umorder tinuro ko sa kanya yung muffin pero mukhang di naman ata ako napansin ng lolo mo. E di ayan nakaorder na siya. dumating ang waiter with a plate of cheese cake. Nagulat ako. sa amin ibinababa ang order. Sabi ko nye, di ba sabi ko muffin? Sa katangahan ko, oo nga, nasabi ko cheese cake pero muffin talaga ang hinahanap ng katawan ko. So sabi ko sa waiter papalitan na lang kung puede. E di lapit ako sa counter. Nameet ko sa miss taray. Ubod ng katarayan ang babae. Ayaw niyang palitan dahil policy daw at naserve na yun. E ang point ko taken na nagkamali kami ng order pero hindi pa naman nagagalaw. Hindi daw talaga. So mejo na-highblood nako so ginawa ko umupo ako at sinabi ko “dalhin yan sa mesa!”
E biglang react din siempre si tet kasi nag-service crew din pala ang lola mo. Sabi niya puede naman papalitan yun e. so lapit siya sa cashier. Ang si miss taray talagang certfied mataray hindi daw talaga. Nakiusap kami kung puede ipalit na lang namin yung cheese cake sa muffin na 60 pesos. Di na namin kukunin ang 5 pesos kasi 65 yung cake. Hindi pa rin daw. okay so naupo na kami ni tet and decided to eat the cake. Napagdesisyunan na lang na kunin ang name ng cashier after namin kumain.
So pansamantalang humupa ang aming pagka-highblood. So pa-exit na kami sa jave republic hinihingi namin name ng cashier aba, si miss taray ayaw ibigay. Hiningi namin number ayaw pa. kahit daw sponsorship ayaw. Pero maya maya binigay din. Hinihingi din namin name ng manager ayaw niya ibigay hanggang sa ibang employee na ang nagbigay. Pinakuha din ang aming name. give naman namin. Pero siya ayaw talaga. Pati pangalan ng manager ayaw ibigay. So ang ending ayaw pa rin niya ibigay ang pangalan niya and so we decided to leave the place. Me sinabi pa siyang wala siyang pakialam kahit ipadiyaryo pa siya. me ganong anggulo? So nakakaamoy kami ng guiltiness!
So paglabas namin ng crossing tinawagan namin ang number and then nakuha namin ang number ni ms. vangie. Nakausap ko si ms. vangie and tell her the whole story. Sobrang nag-apoligize siya and then pinakuha niya sa amin ang name ng cashier. E di pasok uli kami sa crossing at dumiretso sa java republic.
Nakakaloka pagdating namin don andon si miss taray, hinihingi namin ang name kasi nga nakausap na namin si ms. vangie. Aba ang lola niyo pasigaw na sumagot, sigurado kayo ha? (parang nakikipagayaw sa palengke!) pero ako relak pa din. Take note of the relak. Sabi ko sure kong nakausap e kasi daw ang manager niya kausap niya sa phone. Aba! e si miss vangie pala e bookeeper. So fine. E di kinausap ko ang manager. Ang ending pahiya si miss taray. Nag-apologize ang boss nila sa phone.Nag-sorry si miss taray.
Isa pa ring katibayan na “THE COSTUMER IS ALWAYS RIGHT!” sana lang hindi siya nagtataray ng ganon ganon na lang.
Yan ang kuwento ng aking araw dahil sa simpleng muffin. Kaya sumayaw na lang tayo sa beat ng rugga muffin girl! Hehe
POST REACTION LANG…
nabuwisit ako sa cashier. masyado siyang masungit. puede naman niyang i-void yun. im sure tinatamad lang siya.
pangalawa, sana me courtesy pa rin siya sa costumer hindi yung kung pag umasta siya pagaari at nabili niya ang java republic…
pangatlo, pasalamat siya hindi ko siya isinumbong ke tulfo kundi wala na siyang career…
at pang-apat buti mejo tame at relak, take note relak ako ng mga oras na yun kundi basag mukha non at posibleng ma-feature ako sa SOCO. pero dahil mabait si lord at bagong taon, less sungit ako at ipagdarasal ko na lang siya.
nakakatawa sana hindi na lang ako umorder ng muffin at hindi gumulo ang mundo ko. pasaway. e anong magagawa ko kung i’m on a strict diet! of corz….
isa pa pala, pahabol, up to this very very cold moment, hindi pa din namin nalaman ang pangalan ng cashier. nanatili siyang isang misteryo. ipa-SOCO ko kaya? hay nako! suko ako sa kanya!