Archive for February, 2006

PASASALAMAT!

Wednesday, February 15th, 2006

ISANG PASASALAMAT…

Naaalala niyo pa ba nung una akong umaattend ng meeting ng at home. Isang tahimik at seryosong earvs ang nahihiyang bumati sa inyo. Kaka-reformat niyo lang noon. Ako rin kaka-reformat ko lang din ng buhay ko. Hindi ko pa kasi sigurado kung dapat ba akong tumuloy at maging “kapamilya” ng at home ka dito. maraming bagay ang gumugulo sa isip ko. Baka hindi magustuhan ang writing style ko. Baka hindi ko kayanin. Baka ayaw ng mga tao sa show niyo sa akin. Maraming “baka” na hindi ko akalain, ang mga “baka” ng ito e mapapalitan ng seguridad, tiwala at buhay produksiyon na punong puno ng kulay at ingay.

Umulan. Umaraw. Lumipas ang ilang buwan. Naabutan ako ng cost cutting. Naging segment producer writer ako. tinanggap ko ang posisyon ng hindi buo ang loob ko. Aminin na natin na no choice ako. pero deep inside myself, gusto kong subukan ang pag-s-sp dahil ito ang pinapangarap ko. Oo pangarap kong maging isang magaling na manunulat. Pangarap kong maging produsyer. Pero mas higit don, pangarap kong maging direktor. Pakabig na lang na pangarap ang ma-discover at maging on cam talent. Sa bahaging yon, oo ambisyoso at ilusyunado ako. pero libre lang naman ang mangarap. Pagbabakasakaling ilang beses kong ginawa sa bakuran ng mga lopezes.

Hindi naging madali ang lahat para sa akin. Aaminin ko, namatay ang tiwala ko sa sarili ko simula ng magsulat ako sa abs. hindi ko maintindihan. Siguro nga kasi hindi ako ipinanganak na manunulat. Lahat na ata ng scripts ko sa siam1 kulang na lang ipambalot sa tinapa o di kaya dumiretso na sa basurahan. Pero tinanggap ko yun. Sinabi ko sa sarili ko, maaaring umiiral ang pride ko considering baguhan ako. sa huli, nilunok ko ang lahat. hanggang sa mapunta ako sa at home. Ang show na nagbalik ng tiwala ko sa sarili ko. Anong sarap maging malaya. Anong saya ang tumawa habang nagtatrabaho. Anong ginhawa ang magpuyat ng may inaasam na maaliwalas na bukas. Anong saya ang maging at home.

Maliban sa pagsusulat, ang pangarap kong maging segment producer ay naisakatuparan. Isang pangarap na matagal kong hinangad nung nasa iba pa akong show. Wala namang nagbukas ng pintuan o bintana upang bigyan linaw ang naiipong pangarap. Ngunit dahil sa at home ka dito, para akong ibon na nakalipad mula sa ilang taong pagkakakulong sa hawla. Ganoon pala ang pakiramdam ng malaya. Yaong may opurtunidad na ipinapakita upang mismo sa sarili mo e maipakita mo ang tayog ng yong lipad at lakas ng kampay ng mga pakpak. Anong gulat ko, natuto akong lumipad kasabay ng dating mga segment producers. Anong saya. Dama ko ang sariwang hangin. Ang kumakaway na ulap ng pagkakataon. Ang nakakasilaw na sikat ng pagasa sa kalangitan. Salamat sa at home ka dito.

Kasabay ng aking paglipad, isa pang opurtunidad ang nabuksan. Nang mag-on cam ako sa at home ka dito. isang pangyayaring hindi ko inasahan na mangyayari kahit sa aking panaginip. Mga lente. Ilaw. Make up. Lahat. halo halo. Chopseuy ng emosyon nangibabaw sa aking puso. Kulang na lang halikan ko ang talampakan ng EP. Anong saya. Anong liwanag ng bukas. Kakaibang inspirasyon. Walang kapantay na kaligayahan. Sikat. Cool. Madami akong napasaya. Ang ilan pa nga, nagkakabag sa kakatawa.

Sa kabilang banda, sa pamamagitan ng at home ka dito, naipamalas ko ang kakayahan ko sa pagdirehe. Yan ang huli kong sitners sa buhay ni daylinda calonia. Dito ko ibinuhos ang mala-short film na pinapangarap ko. Ang sarap. Ang saya. Kahit sa ilang segundo, naka-upo ako sa trono ng mga sikat. Ng mga sitners diva. Ng mga batikan sa paghawak ng camera. Ng mga koponan ng taong foreground. Hindi yan mangyayari kundi dahil sa opurtunidad na ipinagkaloob ng at home ka dito. ang saya, heaven. Langit. High na high.

Siempre, hindi ko din makakalimutan ang mga taong nagbigay kulay, umalalay at tumanggap sa aking mga kalokohan. Di kataka takang naisulat ko ang blog entry ko na may pamagat na “why I’d love to stay at home.” Produkto ng isang pusong maligaya. Ng emosyong komportable at at home na at home.

Nung pumasok ako sa at home. Sabi ko sa sarili ko. Gusto ko mabago ang ambiance ng grupo. Ayoko ng tahimik pag meeting. Ayoko ng nagpipilitan sa suggestions. Ayoko ng ganito. Hindi ako makahinga. Kaya unti unti kong sinimulan ang

plano

ng pagpapalambot ng isang matigas na karne. Ang sikreto, palambutin ang pinuno. Siempre walang iba kundi ikaw yun ate Ja. Ang saya. Challenging. Sa huli, well, ewan ko kung bumigay ka nga sa kalokihan at bunganga namin. Isang patunay nito ay nang mag-kodakan tayo sa elj kasama ang PBB big four. Bonding talaga. Walang boss boss.

Para

tayong mga bata na nagpapaanod ng bangkang papel habang bumubuhos ang malakas na ulan. Di pa talaga paawat sa guard na naguurimintado.

Natatandaan mo ba ate Ja, nung una mo kaming pinasulat ng evaluation, buong loob kitang tinatapat na kailangan mong pagkatiwalaan ang staff mo. Sobrang mula noon, naramdaman ko ang laki ng pagbabago.  At mismo ang evaluation e bumago sa mundo ng at home. Naging isa itong uri ng instrumento para maipahayag ng bawat isa ang di kanais nais at kaaya aya sa kanyang katrabaho. Ang saya. Ang kulay. Makahulugan.

Siempre, pinaghandaan din naman ang birthday party para lalong ipakita sayo kung gaano ka kaimportante sa buhay naming at homers. At simula noon, mas lalong naging close ang at home. Mas naging maingay. Maloko pero seryoso. Palatawa pero may ibubuga. Lumalaban. Gipit man minsan pero nagagawan ng paraan. Lahat nagtutulungan. Ang sarap. Heaven. At sa pagkakataong ito, nailuwal ko sa aking mga bibig at napatunayan ko, andirito sa at home ka dito ang ibig sabihin ng “kapamilya” sa abscbn. Ang tanging show na ebidensya ng tunay na imahe o diwang nais ipakita ng abscbn sa kanyang mga manonood. Wala sa mga artista kundi nasa staff ng at home.

At simula noon lahat nagbago. Bagamat minsan me mga pagkakamali o sabit, sa awa ng diyos natatapalan naman ito ng mas magagandang bagay at napanghahawakan ng tuwid. Ika nga e bawi na lang sa susunod. Kahit minsan na din akong humagulgol dahil sa muntik ng mapak-up ang chocolate episode dahil sa party set up at bagyong inabot ko sa pagpipikup kasama ang buntis na si ate marie. Isang pagkakamaling maiisip mo, isang sampal para magising at huwag ng ulitin ang nagawang pagkakamali. Tulad ng laging sinasabi ni ate ja, don’t give me problems, give me solutions. Ang saya. Totoo. Buo.

Hindi rin nagpahuli ang bonding ng at home. Dito ko lang yan naranasan. ang bulacan butterfly haven adventure.

Para

tayong mga paru paro na nabigyan ng laya sa napakasikip at hectic na mundo ng media world. at ang pinaka-latest, ang batangas adventure. Hudyat ba ng di ko pagsali sa snorkeling ang paglisan ko? Maaaring oo, maaaring hindi. Pero iisa ang tiyak, enjoy ang bawat sandali. At sa aking paglisan, mamimiss ko yon. Panibagong dagat ang kailangan kong languyin. Panibagong pagsubok. Yun lang wala ng kaluluwa pang lalapit sa inyo. Wala na ako. huwag kayong magalala pasasamahin ko pa rin ang mga “ di nakikitang” kabigan ko. Ang saya. Misteryoso. Mahiwaga.

At sa aking pagalis sa at home ka dito, gusto kong pasalamatan kayong lahat….

Kay ate ja nagbigay ng lahat lahat. sa tiwala. Sa talak na nagpatibay sa akin. Paano ko makakalimutan ang famous line mo: parang eere sa channel 13. isa kang inspirasyon. Larawan ng katatagan. Imahe ng di sumusuko na persona sa ano mang laban ng buhay. at higit sa lahat, sa pakikisama at pagkakaibigan. Comment: taray ng pics mo with bella

flores

. Kabog lahat ng photo session! I just love it.

Kay ate grach, sa mga kuwentuhan moments sa java republic at paghahanap ng libro sa national bookstore. Nagkakasundo tayo don. Sobrang mahilig kasi ako sa libro. At higit sa lahat, sa pagpapautang kapag di pa na-e-encash ang pera from sponsors. No wonder, mananatiling title holder ka ng AT HOME KA DITO OFFICIAL ATM. By the way, thanks for teaching me to “time deposit” ang aking pera.

Kay ate hervie. Kung me b1 at b2, ako si b1 at ikaw si b2. hindi banana, kundi baliw 1 at baliw 2. sobrang mamimiss ko ang mga kaingayan natin sa editing at taping. Kulang na lang kantahin ko ang “unti unting mararating kalangitan at bituin…” habang gamit ang indian dance step na itinuro ni herbs at ginamit natin sa party. Na kahit sa taping, pag nagsama tayo, walang silent moments. Laging sumasabog. Maingay. Natural ata sa atin ang naka-droga. Sa huli, nagpapasalamat din ako dahil isa ka sa mga taong bumago ng aking pananaw pagdating sa pagbubudget. Siempre mami miss ko din anak mo. na sobrang parang pinagbiyak kayong bunga.

Kay tet, nako, lahat na ata ng bagay nasabi ko na sayo. O huwag ka nang umiyak. Hindi dapat iniiyakan ang taong buhay. Magkikita pa naman tayo. Malay mo sa langit. Biro lang. hindi itong si tet talaga kasi ang pinaka-best friend ko sa abs. siya ang ultimate friend ko. Sa lahat ng ups and downs ng aking buhay laging andiyan yan. Alam kong malayo mararating mo ipagpatuloy mo lang. andirito lang ako kapag kailangan mo ng tulong.

Sana

maisip mo pa rin ako pag ikakasal ka na or me anak ka na. hehe

Kay ana, sa totoo lang, hindi ako magiging maingay kung hindi kita nakilala at nakakuwentuhan. Dahil sayo na-unleash ang mga kalokohan ko sa katawan at katatawanan. Kaya yan ang ingay ng production. No wonder certified bangus bangus ka pa rin. Siempre laki rin ng pasasalamat ko dahil itinurin mo akong kapatid mo. Tama ba? At ang nanay mo, itinuring na ampon ako. kulang na lang ipakain sa akin buong laman ng ref niyo pag napunta ako sa inyo. Sobrang salamat talaga. Bilib talaga ako sayo. Galing mo sa exdeal. Paano ko ba naman makakalimutan ang boses palengke mo. Sa bagay, marami diyan sa tabi tabi. *tawa*  mamimiss ko din ang makulit mong si alex. Pano mana sayo.hehe

Kay ate ian, sa mga chikahan moments na kimchi na nagtulak din sa akin na hanapin ang mundo ko sa labas ng abscbn. Salamat. Sa sunod kong dalaw diyan dalhan kita ng mas malalaking plastik para mas marami ang take home.hehe

Kay kuya romer, sa pagiging matiyagang headwriter. Never niyo akong inokray kahit minsan feeling ko dapat lumipad ang papel o mawala ang isinulat ko at mapalitan ng bago tulad ng nangyayari noon sa iba kong show. Salamat sa tiwala at tiyaga.

Sana

dumami pa ang tulad mo. now na. by the way, makakaasa kang maaalagaan ko yung itlog na binigay mo.

Si uncle mark, nako, ang memo king at kanin king. Ayaw ng bahaw. Gusto laging mainit at mamasa masa. Oy huwag green minded. Siempre ikaw pa uncle. Ang mmda ng at home. Enjoy ako pag kasama ka. Sa sipag at tiyaga mo. masaya ako dahil nabigyan ka na ng break na gawin ang gusto mo. saludo ako sayo direk!

Kay direk pinggoy naman, nako, wala na talagang tatalo sa gestures niyo at sungit sungitan look lalo na pag nagkikta tayo sa set. Nako mamimiss ko yun. Gayunpaman, salamat sa pagwewelcome sa akin sa at home. Sobrang down to earth kayo. kaya enjoy bawat taping. Ang taong nagpakilala ng “class” sa mundo ng simpleng “masa” na tulad ko.

Kay darla, sa pagbibigay sa akin ng pagasa na me ibang show na kukuha sa akin. Salamat at sa totoo lang ikaw lang nakaka-appreciate sa aking writing skills. Ewan ko siguro para palakasin loob ko pero gayunpaman, maraming salamat. Isa ka sa mga taong nagbalik ng tiwala ko sa sarili ko lalo na sa pagsusulat. Ma mi miss ko ang kalandian mo sa pagpapa-picture at ang isyu natin sa transcription. Joke. Isa ka talagang diyosa at aminin na natin, ipinanganak ka para sa mundong yan. Go darla. Hihintayin ang pagrolyo ng pangalan mo sa mas malalaking proyektong pantelebisyon o kahit pampelikula. Maraming salamat sa lahat.

Kay ate marie, sa comfort at ma-prinsipyong usapan. Yan ang kailangan ng isang taong hihina hina tulad ko. Dahil sayo kahit papaano naging matatag ang puso ko sa gitna ng okrayan at di maipaliwanag na mga pangyayari. Isa kang tissue paper sa crying moments ko.

Kay joy, gamitin mo ang kakayahan mo sa pagsusulat. Salamat sa pakikipagtulungan sa mga ex deals. Im sorry kung minsan inookray kita na narealize ko

mali

. Huwag kang magalala bawi ako sayo one of these days. Aasarin pa kita lalo. Joke. Kaw pa. basta sakyan mo lang ang buhay. Bawas sa rice ha. Baka ma-diabetes ka.

Kay dian, sa paga-a-assist at sipag during tapings. Bow ako sa lakas mo. Hindi mukhang ngarag at laging naka-postura. Nako mamimiss ko ang dapat sanang dance session na i-e-enrol natin. Sayang di man lang ako nakasama sa mga ukay ukay at divisoria shopping spree mo. go dian. Malayo mararating mo. magtiyaga ka lang. halimbawa ng isang amazona sa gitna ng napakalaking giyera.hehe

Kay ate izah, sa lambing at sweetness akala ko tuloy pusa ka. Nako mamimiss ko ang panunuod ng sine tuwing lunes. Hindi ko yun makakalimutan lalo na nung pinanood natin yung emily rose. Pasaway ka don! Mami miss ko ang impersonation mo ke donna cruz at dun sa isang british accent na batang nakita mo.

Kay ms. cha, nako hindi nako pormal na nakapag paalam, sobrang maraming salamat. I never thought na down to earth kayo at madaling pakisamahan. Sobrang cool pala kayong katrabaho. Salamat sa pagtanggap sa akin sa show mo kahit sa maikling panahon lang.

Kina joross at roxanne, don’t forget to… enunciate, explain, project and energy during shoots. Be natural. Awat na ang tampuhan. Malayo mararating niyo. Rox, don’t worry, during taping papadala ko spirit ko para magkaron ka ng energy lalo na sa oras na nalolombay kayo. Hehe

Ang saya. Palaban. Puno ng kulay. Challenging. Totoo. Cool.Makabuluhan. food trip. Adik sa pagpapapicture. Jologs by heart. Maingay. Malulusog. Buo. Komportable. Kuwela. Pasaway. Di paawat. Matatag. Ang tunay na nagwagi sa 2005 dance contest (di talaga patalo!) Magkakapamilya. Ilan lang to sa mga salitang na puede kong gamitin para ilarawan ang minsang naging tahanan sa abscbn…ang at home ka dito. life in abscbn would never be the same without my at home ka dito family.

Salamat sa lahat. Paalam. hanggang sa muli…

Nagmamahal,

Si san, oma, at pranzen…bali baligtarin mo man ang mundo o identidad nila, iisa sila. Ang kaibigan mong si earvs.

TURNING POINT…

Monday, February 6th, 2006

Ito na siguro ang pinamabigat at pinakamadamdaming talumpati na binasa ko sa harap ng napakaraming tao. simula sa unang salita hanggang sa huli, tanging luha ang nangibabaw sa mga sandaling yon…

PAALAM MAHAL NAMING MAMA…

Written last febraury 3, 2005.

Read at Ascension of our Lord Parish last January 5, 2006.

Nung bata pa kami, sabi ni mama, ang tunay na yaman ng isang tao ay hindi sa dami ng kanyang pera’t ari arian o lawak ng loteng nasasakupan,kundi sa dami ng taong nagmamahal sa kanya. Noong una ang hirap paniwalaan. Hanggang sa dumating ang linggong ito nang siya ay mamaalam. Nagulat kami. Sa dami ng bulaklak. Sa dami ng mass cards. Sa dami ng taong dumarating para makiramay. At sa dami ng taong nagdarasal para sa kanya. Napatunayan niyang heto ang kanyang tunay na yaman dito sa lupa.

Bilang isang ina, ang aming mama, talagang saludo kami sa kanya. Mula ng isilang kami sa mundo hanggang sa magkamuwang, magaral, makapagtapos at makapagtrabaho. Lahat ng sakripisyo ginawa niya para amin. Silang dalawa ni papa. Ang pagaalaga. pagmamahal. At higit sa lahat, ang walang sawang suporta. Lagi siyang andiyan pag may events kami sa school. Excited na excited at proud na proud. At kapag may sakit naman kami, aabsent pa yan para alagaan kami. Lagi niya kaming ipinag-pa-pray over. Lagi din niya kaming binebless bago pumasok at bago matulog sa gabi. Kaya sobrang mami-miss namin ang kanyang mga halik, yakap at higit sa lahat ang mga dasal. Dahil sa kanila ni papa, naging sentro ng buhay namin ang Diyos…

Hindi ko maiikakailang taong simbahan ang mama namin. Dalaga pa lang siya, lagi siyang dumadaan sa chapel at nagaalay ng dasal hanggang sa siya ay magpamilya. Bilang kasamahan sa simbahan. Nakilala siya bilang si Sis Agnes. Sa inyo na rin mismo nanggaling: Siya ay matulungin. Nagaabot sa mga higit na nangangailangan. Laging may bukas na palad sa sinumang hirap sa buhay. Maasikaso din siya. Inuuna muna ang iba bago ang sarili. Carinosa at Palabati. Kahit sinong masalubong, kakilala o hindi, bumabati at bumebeso. Sa totoo lang sa oras na lumabas na siya ng bahay namin, lagi na siyang nakangiti at kumakaway sa makikitang kakilala. Isa pa, palabiro din yan. Ang mga jokes niya na talagang mamimiss natin. At higit sa lahat, mapagbigay. Lahat ng blessings niya sa buhay ay never niyang ipinagkait. Sabi niya kasi, kapag ishinare mo ang mga blessings mo, babalik din siksik liglig at naguumapaw pa. Totoo nga. Napakarami ng kanyang kayamanan, yon ay walang iba kundi tayong lahat na pinasiya niya…

Sa kabilang banda, pagdarating naman ng lunes hanggang biyernes, sa opisina umiikot ang halos 70 percent ng kanyang araw. Bilang ka-opisina. Nakilala siya bilang si Manay. Si Manay na kahit mga janitor, security guard at mga elevator crew e binabati at inaabutan ng kung anu ano. Wala sa kanya kung mahirap o mayaman. Lahat pantay pantay. Lahat kaibigan niya. Tandang tanda ko noon, pag sinasama kami ni mama sa opisina nung mga bata pa kami, naiinis ako ke mama kasi bago kami makababa papuntang sasakyan, inaabot kami ng siyam siyam kasi halos lahat kakilala at di kakilala e binabati, hinahalikan at kinakawayan niya, minsan e binibigyan niya pa na ng kung anu ano. Si manay na laging nagpapakain, ordinaryo o espesyal man na araw sa kanyang buhay. Lalo na pag me blessings na natatanggap ang aming pamilya. Sino ba naman ang makakalimot sa gulay laing. Mapa-boss o ka-opisina, asahan mo meron siyang laging pa-take home. Si Manay din ay laging maalala na very active sa mga sayawan at performance sa opisina. Lahat kinakaya niya lalo na pag gustong gusto ng puso niya. At kahit nasa opisina, di siya nakakalimot sa diyos. Nagrorosaryo bago pumasok at laging nagsisimba tuwing first Friday mass…

At si mama bilang kaibigan. Ibibigay niya ang lahat mapasiya ka lang. Kung kailangan mo ng tulong laging andiyan yan para sumaklolo at umalalay. Kahit mga kamaganak namin ay saksi sa gawaing yan ni mama. Asahan mo na lagi kang nasa panalangin niya.

At ngayong namaalam na si Mama, Si Sis Agnes at Si Manay sa ating mga buhay, naway maging inspirasyon siya sa ating lahat. Itinuro niya sa atin ang pagmamahal sa pamilya at kamaganak. Ang pagpapahalaga sa mga kaibigan. Ang pagtulong sa kapwa. At higit sa lahat, ang walang katapusang paninilbihan sa Diyos.

Alam ko, sobra natin siyang ma-mi-miss. Ang mga ngiti. Ang mga halik. Ang napakabait at palabating si agnes. Pero isipin natin na lahat ng nangyayari ay ayon sa

plano

ng diyos at dapat natin itong tanggapin ng bukal sa ating kalooban.

Alam natin, napakasaya na ni mama sa piling ng diyos. Ang diyos na nagbigay ng buhay. Ang diyos na gumagabay. At ang diyos na kanyang naging matibay na sandigan hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Sa ngalan po ng aking pamilya,

taos

puso po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat. Sa mga nagdasal at nakiramay. Sa mga taong naging bahagi ng makulay at nakapasayang buhay ng aming ina. Maraming salamat sa inyong lahat.

At kay mama, tandaan mong habang buhay kang mananatili sa puso namin. We love you!

* Minsan binabalewala natin ang ating mga magulang sa pagabot ng ating mga pangarap. magisip tayo. kung hindi dahil sa kanila, wala tayo sa mundo. ang masakit lang, kung kelan mong gawin lahat para sa kanila, wala na sila sa tabi mo. huwag mahiya. ipakita mong mahal mo sila. kelan mo nga ba huling sinabi ang i love you o mahal kita sa nanay o tatay mo? magisip ka. tatanda din tayo at magkakaanak. huwag nating kalimutang andiyan ang diyos. andiyan ang ating mga mahal sa buhay. live each day as if it is your last day in this world…