Archive for October, 2006

relaxtravagansa

Sunday, October 22nd, 2006

After ilang years finally balik eskuwela na ako. pero hindi libro ang hawak ko. Hindi library ang tambayan ko. At lalong walang blackboard o reportings na dapat gawin. Isa lang ang major requirement and that is to sing. Honestly I’ve always dreamed of becoming “also” a singer. Gustong gusto kong magperform kaya finally heto susundin ko ang tintibok ng puso ko, ang kumanta. At ang pangarap na yan ay magsisimulang marinig sa center for pop. Yes! Balik center for pop ako.

Kakaiba ang feeling ko last saturday. Walang kaba. Walang alinlangan. Totoong totoo at looking forward sa event ng buhay ko. Parang Heaven ang pupuntahan ko. Sobrang rejuvenating. Walang kapantay. Unbelievable sa umpisa pero ng maexperience ko, wala akong masabi, totoo ang lahat ng ito! Kumakanta na ulit ako. na tipong …after ng ilang days ng pagmumuni muni sa nilisang trabaho sa philippine idol, well, the idol in me talagang nagpumiglas at lumabas. Kaya ang binagsakan ko, heto music school. Sobrang cool. At sa totoo lang, dream come true. Singing has always been my passion since I was just a kid. pano  ba naman age 9 kantatero na ako! believe it or not. Oh well believe it, there’s no harm in believing naman di ba?hehe.

Last Saturday nagsimula na ang makulay na paglalakbay ko sa mundo ng musika. I had a coach to guide me at siempre mga classmates. And speaking of classmates super natuwa ako. hindi ko sila kaedad. Lahat sila mga bata. Ang saya nilang panoorin especially yung mga maliliit na batang lalake. Nakikita ko sarili ko sa kanila when I was their age. Matining ang boses at bibbong bibo. Anong magagawa ko kung sa panahon ng information technology, patok na patok pa rin ang maging bibbo para magstand out! Hehe. So yon simula na ng kantahan. I chose the song “I’d rather.” Aside sa favorite song ko siya, gusto kong matutunan kung papaano mas magiging kakaiba at me style ang atake sa pagkanta. Challenging part yung kulot at adlib. R and b kasi ito. Freestyle ang pagkanta. (feeling idol ba?hehe). at ang matinding challenge, I had to learn 6 songs. Iba ibang genre. Me broadway. Me fast song. Me opm. Me contest pieces. Di ko matandaan yung iba. Tapos me mall show, guestings sa CPMP classes at ang matinddi. Me concert!!!! Hay super excited na ako. maliban sa muli na naman akong manggugulo sa music landia, marami rin akong makikilalang mga bata. Exciting. Hello mas isip bata kaya ako. hehe

Also last Saturday, naka-bonding ko ang ilang college friends ko. Ang LS DJ na si Liza at si Peluch. Saan? Of corz yan walang iba sa ACE WATER SPA.  At ang challenging sa naging bonding activity, kinailangan kong magtrunks!!! Imagine ako magtutrunks. Kahit ako sa umpisa di ko matake pero since andon na rin e di no choice di ba. At tulad ng isang fairytale, di ko kinailangan pang tawagin ang fairy god mother para irequest na magtrunks ako. im sure kung haharap ang fairy god mother, baka mabali lang ang kanyang wand at masuka pa siya sa makikita niya.hehe. so yon, ang ending nagtrunks ako. wala ng hiya hiya. Ika nga, conquer your fears and… nightmares!hehe. so ayon todo na lang kami sa paglangoy. Unimaginable? Well just imagine it. No touching!haha

Kakarelax. Enjoy. Chismisan. Tawanan. yan ang ginawa namin. Malayo sa magulo at nakaka-stress na mundo ng trabaho at trabaho. Kakatuwa yung mga bubbles sobrang nakakamasahe at nakakarelax ng katawan. Pati butas ng puwet ko namasahe. Pati you know ko talagang nabingo at 100 percent na pati kaluluwa ko damay sa mala-cloud 9 na pakikipaglandian sa tubig ng pool. Hehe. Siempre panalo ang spa dahil nakakagamot daw ito ng anxiety at kung ano anu pang mga sakit. No wonder talagang gumaan ang pakiramdam ko at natauhan ako, bakit nga naman magpakalungkot sa buhay kung me mga tao namang nagtitiwala sayo na kaya mo at napapasiya mo. Kaya after that swimming moments at basa sa dagat scenes while wearing trunks, bumalik ang dating sigla ko. Naghari na naman ang “clown” personality ko. E di ano pa ang tumawa ng tumawa at magpatawa. Libreng libre! At ihi lang ang pahinga ha.

So after the babad moments sa ace water spa, siempre sinulit namin ang 480 entrance fee. Almost 5 hours din kaming nagbabad at nagpaikot ikot. Siempre avail kami ng free soup. Corn soup. Sarap. Nasense siguro ng water spa na magugutom ang mga tao sa pagliliwaliw sa tubigan kaya yon me free soup. At dahil gutom na kami, well, fight! Taob ang mangkok!hehe

After the higupan moments ng mainit na corn soup, sugod kami sa tomas morato para sa isang naiibang dinner. Di naman actually naiiba na super. Naiiba kasi finally nafeel namin ng mga college friends ko, dati nung college kami sa fast food lang pero this time na me work na kami at kaya na naming kumain sa mga restau with our own money. Isang patunay na …umaasenso na kami!!!! Haha. So yon ending namin sa wan choi? Wan chai ba yon? Enihow me pagka-japanese ang lugar. Happy fiesta ang kainan. Talagang suko ako sa dami ng kinain namin. Maligaya ang mga pagkain!

And after some katakawan moments sa hapagkainan, since me time pa naman, sugod kami sa music match para sa isang naiibang videoke moments. Kantahan. rock rockan. Sayawan. Tawanan. live performance like no other. Me kasama pang standup comedy moments. Kakasira talaga ng bait ang gabing yon. Super to the max ang baliw baliwan moments. And on top of that, di na naitago ng bawat isa ang kanya kanyang “star” factor sa pagkanta. Me nag-ala-diva. Nag-ala-balladeer, me nag-ala-pussy cat pa at ang todo todo sa pagsasayaw while singing babae po ako ni Tuesday vargas. O san ka pa. all in the name of pagkaloka loka.hehe.

Kaya ang resulta ng isang gabing puno ng bonding, kulitan at kamustahan, nakalimutan ko ang problema ko sa buhay. Muli kong naramdaman na di ko kailangan magmukmok sa mga nagdaang pangyayari sa buhay ko. Na kailangan kong bumangon. Na sayang ang talento ko kung hahayaan kong mabulok ng di napapakinabangan. Na tao ako at kailangan ding magenjoy. At higit sa lahat, marami na akong na-achieve sa buhay at napakarami na ring grasyang natanggap mula sa diyos, e…ngayon pa ba ako susuko! Siempre hindi na noh. Kaya naman after that night I said to myself. Kung anu man ang pinagdadaanan ko sa buhay ngayon, I know, isang bahagi lang ito ng mas malaki at mas napaka-challenging pang mga pagsubok o unos sa buhay. So I have to be strong at maging palaban. Sabi nga ni manny p, laban kung laban. Pero wala naman na akong balak kantahin ang “para sayo ang laban nato” that’s too much and mushy!hehe. pero one thing if for sure, fully charged na ang puso’t isipan ko!

Enihow, unti unti nang bumabalik ang lakas ko. Unti unti ko na ring nalalanghap ang sariwang hangin. Bumabalik na rin sa dating katinuan ang aking isipan. At ang spirit, ayan, tumitigidig na naman at handa nang umariba sa karera ng buhay. Though hindi naman ako nagmamadali na, basta, dahan dahan lang pero sigurado. Ayos sa akin yon. Pero on top of everything, unti unti ko nang nakikilala ang tunay kong pagkatao. Tao ako at hindi isang robot. Hehe.

This is too much. It’s nice to see you reading a piece of my life. Hanggang sa muli.

is it a deal or no deal?

Friday, October 20th, 2006

 

Sa buhay daming choices na dapat gawin. Minsan happy ka sa naging desisyon mo, minsan sad. Minsan pipili ka pero half hearted ka, minsan naman wholehearted ka pero napilitan ka lang. sa totoo lang, ang pagdedesisyon o pagpili ang pinaka-sa-pinaka-challenging part ng buhay ko. Kakabaliw. Kakaloka. Hindi puedeng upuan sa isang gabi. Di puedeng basta basta na lang gawin. Kailangan pinagiisipan. Di sapat na isang beses lang, kung maaari pa nga, libo libong beses. Hay nakakalibog! In bisaya, nakakahilo.

Sabi ko naman sa inyo, mahal ko talaga ang mass media. For me siya ang buhay ko. For me siya ang jowa ko. At for me siya rin ang ugat ng sakit ng puso ko. Ng mga hinanakit ko at frustrations ko sa buhay. Ambisyoso mang sabihin, pinangarap ko ring maging isang star. Tulad nga ng madalas mabanggit sa ilang maka-blog blog damdaming sinusulat ko. Ano ba naman ang magagawa ko kung talagang dream kong maging isang performer. Yon ang ang nagtatago sa likod ng aking isipan at nagsusumiksik sa aking puso.

Gaya

rin ng iba. Na may lakas ng loob at kapal muks. Hehe. Na sa libo libong pinoy na sumubok at nagbakasakali at nagmukhang engot sa harap ng auditions, ilan lang ang pinalad at nagkaron ng kinang sa showbisness. Ang saklap noh. Pero ako, di ko pa naman nasubukang magmukhang tanga sa harap ng isang audition master, ay meron na pala, once lang, gayunpaman, itutuloy ko pa rin ang aking laban to be a star. Talagang seryoso di ba? Lahat itataya ko. Anong magagawa ko, cliché man sabihin, mahal ko ang pagkanta. Pero excuse me….correction and may I explain, hindi ako nag-mass com para magartista. Nag-mass com ako dahil ito ang tinitibok ng puso ko at isa pa, gusto kong maging isang MATAGUMPAY NA DIREKTOR mapa-pelikula man o telebisyon. Kung kontra ka wala akong magagawa. Libre lang naman ang mangarap. Pero one thing is for sure, malubak man ang daan tungo sa aking tagumpay, handa akong muling tumaya at makipagsapalaran.

Pangarap kong maging isang direktor. Oo hindi ako nagbibiro. Mahal ko ang mass media. Mahal ko ang lente ng camera. Ang ilaw. Gustong gusto ko pag nag-co-command ako. pag nagdidirek ako ng segment ko lalo pa’t sinulat ko. Yon ang buhay ko. Yon ang hinihinga ko. Yon ang dumadaloy sa dugo ko. Tumpak nga sigurong sabihin itinadhana ako sa mundo ng mass media. Pero last week, muli na naman akong nadapa. Kaya’t ang ending muli ko namang tinalikuran ang mahal ko, ang mass media. At ngayon nagpapahinga ako. nagpapahilum ng sama ng loob. Shet talaga ang mass media! So shobis! Pero this time di ko maitatago ang tunay kong nararamdaman.

Ang buhay parang deal or no deal. Shet adik na ako! kakatuwa kasi si kris aquino. Isa pang kakainis, trip ko din ang captain barbell pati atlantika. So pasaway ako sa palipat lipat ng channel. Kakapagod pero nakaka-exercise ng muscles ng daliri.hehe. going back, ang buhay ay parang deal or no deal. Lalo na sa trabaho. Last Wednesday isang mala-deal or no deal na eksena ang gumulat sa aking nanahimik na kalooban. Inaalok ako ng isang bagay na sa totoo lang di masagot ng puso ko ng buong buo. At dahil me time limit sa pagsagot, ang naging sagot ko, no deal. Hindi ko kinuha ang offer. Ang ending umalis ako ng Philippine Idol. Yon ang katotohanan. Wala na ako sa philippine idol. At heto ako ngayon no work at tumotodo sa pageenjoy sa buhay.

After ng mga mala-deal or no deal last Wednesday, isang bagay lang ang narealize ko sa buhay ko. God pinapatay ko ang sarili ko sa work. Puros na lang ako work work at work. Meaning workaholic. Walang alam ibang gawin kundi work. Ask me why. Why kamo? Eh kasi imagine last Wednesday, dinner time with officemates sa SM north, I had my first ANXIETY ATTACK. Isang uri ng sakit na psychological. Meaning kakaisip isip at isip na me halos stress at sama ng loob ayon tinamaan ako ng anxiety attack. Masyado na akong nasagad. Sobrang isip ng isip ng mga bagay.

Para

na akong factory ng konsepto. Kulang na lang saksakan ng tubo ang utak ko at lalabas lahat ng creative juices. Siempre panic ako di ba. First time ko magkaganon. Di ko naman inexpect. Dinala pa ako sa hospital dahil don.  Pero dahil sa tulong ng family ko, friends at ibang kamaganak, unti unti na akong nakakarecover. At dahil stress related siya, all I need to do ngayon e magenjoy. Magliwaliw. Gawin ang mga bagay na hindi trabaho. Gawin ang di nagagawa dati. Ewan ko ba bakit ba kasi wala pa akong love life para me tao akong mahahatak at makakausap.hehe. mga bagay na nagsasabi’t nagpapatunay na TAO ako. nangangailangan ng pahinga.

Oo its so frustrating na wala na ako  sa idol. Ang show na dugo’t pawis ko ang puhunan ko gayunpaman happy ako sa naging desisyon ko. Siguro nga me

plano

ang diyos para sa akin. Siguro nga dapat hindi na ako nagstaff kundi

sana

nagaudition din ako.hehe. pero di ko rin babalakin magaudition kasi nung nasa loob na ako don ko narealize na magulo pala talaga ang mundo ng idol. Kasi naman pure text votes. Manood na lang kayo and obserbahan ang resulta. Though saludo ako ke Mr.C. for me siya ang tunay na idol! In fairness nga ke mr. C talagang bibilib ka at iidolohin mo dahil duper duper mega down to earth at mentor na mentor!

I’m sure madami sa mga friends ko ang nabother bakit suddenly nagkaron ako ng anxiety attack. Don’t worry nagagamot naman siya. Pahinga lang ang katapat. Actually most call center people ito rin ang sakit. Stress related siya. More of subconscious. Plus factor din ang kawalan ng tulog at super sabog na sleeping patterns. The answer para di lumala, magvitamins! Bakit ba kasi hindi ako nagcentrum or nag-stress tabs noon. Well its not too late pa naman.

Of course there are times mejo depressed ako. I feel so useless. Walang silbi sa mundo. Pano wala akong work. But then on a brighter side through the support of my family and friendships, tuloy ang buhay at unti unti na akong bumabangon. Right now enjoy lang muna talaga. OA ko kasi, nawala ang enjoyment ko sa buhay. Masyadong napako sa work. Feeling ko kasi ipagpapatayo ako ng rebulto dahil sa pagka-workaholic ko. Hindi pala.

Hindi ko naman sinasabi na hindi na ako magtatrabaho. Pero palaisipan pa rin akin ngayon kung anong work na ang kukunin ko. Im so stressed sa production work. Pero iniisip ko, sa idol lang ba ito o pati sa iba? Kakatuwa nga e kung tutuusin nung nasa dos ako, kinakaya ko naman pero nung nalipat ako sa idol nagsimula ang kaguluhan sa buhay ko. Pero di ko naman sinisisi ang idol sa mga nangyari. Sa totoo lang dami ko rin natutunan at ang bait ng VP namin. Super. Friendly, bagets at super understanding. Kung puede nga lang siya maging EP y not. Ang galing niya at alam niya ang ginagawa niya.  Isa pa, sa idol kasi, napatunayan ko sa sarili ko na me maiaambag pala ako. na creative pala ako. na kaya ko rin palang maging head writer. Maging producer. Maging direktor ng mga segments ko. Ang saya lang ng feeling. Kahit papaano pag binabalikan ko ang happy moments, bumabalik ang energy ng isang earvs!

Nasa dulo na naman ako ng bridge. Desisyon na naman. Babalik ba ako sa production o hindi na? ayoko magsalita ng patapos. Ayoko munang sumagot. Ayoko munang magisip. Saka na! Gusto ko muna ienjoy ang bago kong career. Actually hindi siya career, sort of therapy. At yon walang iba, ang PAGKANTA. Ayon balik ako sa entablado. Sa pagkanta. Back ako sa center for pop for advanced training ng pagkanta. Yon ang bumubuhay sa akin sa ngayon. Nagbabalik ng memory na kaya kong bumangon at me mga taong mas nangangailangan ng talent ko. Ang sayang kumanta.

On the money side naman, siempre dahil wala nga akong work, nako, since mejo nakaipon naman ako at hindi naman ako obligadong magabot ng pera dito sa house, ineenjoy ko lang ang pera ko. As in shopping dito, punta kung saan saan, enrol sa music school, basta anything na marerelax ako. pero siempre budget pa rin dahil siempre magpapasko na. kailangan ng panggastos for xmas. Dami ko pa man din friends na reregaluhan. Malay mo isa ka sa makakatanggap ng regalo from me. Enihow, deadma muna ako sa production work at talagang enjoy kung enjoy. Kung puede nga lang mag-hire ng isang taong puede kong isama araw araw sa pagliliwaliw ko why not. Lonely pa rin minsan kasi siempre magisa lang ako. gayunpaman, enjoy pa rin ako magisa.

Sana

bigyan na ako ni lord ng love life.hehehehe. pasaway di ba!

Sa usapin naman ng trabaho, ayon though nagsimula na akong magemail ng aking resume sa iba’t ibang kompanya, november pa talaga ang plan ko na maghanap ng work. As in. pagkatapos na siguro ng undas.

Sana

makahanap pero hindi naman ako nagmamadali. At least ngayon more time muna ako sa dad ko at sa family ko. Namiss ko rin kasi sila nung nagwork ako sa idol. Kahit nakatira kami sa iisang bahay, di na kami madalas nagkikita dati dahil sa work ko at pagka-workaholic ko.hay. kaya ngayon bumabawi talaga ako sa bonding time sa kanila.

Next year plan ko, back to school na talaga. Either MA or another course. Pero one thing is for sure. Tuloy ang musika sa buhay ko. Tuloy ang pagawit ko. Actually iniinvite ako nung isa kong kaibigan kumanta daw sa lounge why not di ba, try ko.hehe.

Sa huli, I want to thank those people na nagtext sa akin at inalam ang kondisyon ko. Guys super thank you. Don’t worry invited kayo sa recital ko.hehe. dahil sa mga taong nakapaligid sa akin, narealize ko kung gaano ako kaimportante sa mundo. Kung bakit kailangan kong muling tumayo at lumaban sa hamon ng buhay. Di ko na dapat intindihan ang nakaraan. Now I know at nafeel ko na ang ibig sabihin ng move on. O eto unti unti na akong nagmomove on. Pero mahal ko talaga ang mass media. Hindi ako susuko.

Gusto ko ngayon, magbalik eskuwela at muling magaral. Kung magiging guro man ako why not. Enjoy pa rin yon. Magagamit ko ang kakulitan ko sa klase. Except ang pagiging pasaway. Puede ding production pero hanging pa yon. Basta,gusto ko muna ibalik ang salitang enjoy sa bokabularyo ko. Isa pa, unti unti ko na ring iwinawaksi ang mga bad vibes na kinimkim ko sa puso ko. Di siya healthy, it’s time to throw them away. Totally. Di na kailangan ng dulcolax para ieliminate ang wastes.hehe

Gaya

ng isang awitin, kailangan aralin ang tono ng buhay. Okay lang kung mangapa sa unang subok. Okay lang kung pumiyok. Okay lang kung sumabit. Okay lang kung magkamali ng lyrics. Okay lang mahina ang pasok sa umpisa. Ang mahalaga, bongga ang maging rendition sa gabi ng pagtatanghal. Ganyan ang buhay. I’m sure balang araw I’m going to shine. O sha- shine na!